Feeds:
Posts
Comments

Byaheng Elbi

Sa ganitong patay na oras ka
laging ayaw lubayan
ng ningning ng dantaon, ng mga rebultong
hindi mo mauna-unawaan
kahit na nga araw-araw pang magpangita

Kasama ka man sa byahe ay nariyan
silang umaandar pabalik
sa lagi mong nilalayasan
at ikaw pa nga ang naiiwan
sa talukap,
sa pisil sa braso,
sa paggapang ng kanyang buhok sa iyong daliri

Advertisements

Dance It

hurts right now you could dance
the cuddling cradling sears the bones
i am not enjoying any of this
and i am just enjoying
despite my adulation for self
less lochness fucking freaks setting
stage for the coming storm
no, i do not predict and fulfill
the predictions i refuse
it is happening
and i am not making it happen
even if i know
it makes you sad when you know
it bleeds you dry when you know
dance it, dance it away, dance

* * * *

Image

AP File Photo via Inquirer.net

Balita

May balitang inaasahan at hindi inaasam. Saan banda?
Sa kukote papaiwan at hindi mananahan. Kamakailan.
Hindi walang puwang kundi puwang mismo.

Ginto lamang ay ang mga araw.
Na ako ay maghihintay at hindi ka hihintayin.
Saan kamo ang hintayan?

Sariwain nga at hindi sa hindi sariwa.
Sadyang magmamarka at hindi naman sinasadyang mamantsahan.
Kausapin mo ako sa tuwina at tuwing magkausap tayo.

Kuwan at ano, ang sa akin lang.
Bakit, kanino?
May kutob kahit pa nga at hindi kabahan.

* * * *

Photo: SpoilerTV.com

Mas Tanong

huhulaan ko kung bakit ka

sa kabila ng kagustuhan mo
nag-aalala

how to     lose
weight fast 20 pounds
a guy in 10 days
you

how to lose you?
kwentuhan pa tayo
may maraming bagay na tinatanong
at kung sa sagot ay di hamak
na kakapusin
ikwento pa rin

how to     break
your water
in shoes

how to break up?
prangka ka pa nyan
namumukod kang pinagpala

how to     heal
a burn
a bruise
a broken heart

how to heal a broke?
kupitan, wag ilihim
tatakasan mo pa na parang
pag nabuko, kakatayin
kung bisperas ng pista, panigurado

how to     choose
a career
a mattress
a dog
a watermelon

hay, pumirmi nga at mag-ayuno
ikaw na piniraso lamang ang kabuuan!

* * * *

http://mashable.com/2013/10/18/google-autocomplete-sexism/?utm_cid=mash-com-fb-main-link

For Louder Days: Analysis, Vision and Strategy by Yotam Marom

"Another world is not only possible, she is on her way. On a quiet day, I can hear her breathing.” Arundhati Roy

crispyperminute

lutong ng bawat salita

The SPfreaks Team

“We really are freaks. Part idiot, part genius, part investor, part debtor, and definitely part diligent, but most of all, freaks.”

bangs was here

Cheers to All Delinquents

MANIC MANIFESTATIONS

Better than not writing at all.

Arkibero

Construction of Words & Buildings

Gu-Gu

Kids. Art. Community Works. DIY. Quezon Province.

teeshupapercuts

"Whose reality counts?"

hungry for metaphors

mirabile dictu

Bildungsroman

growing up, not literally